Add parallel Print Page Options

38 At (A)aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik, at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan, nguni't hindi sila magsisipasok (B)sa lupain ng Israel: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

39 Tungkol sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; (C)magsiyaon kayo, maglingkod bawa't isa sa kaniyang mga diosdiosan, at sa haharapin man, kung hindi ninyo ako didinggin; nguni't ang aking banal na pangalan ay (D)hindi na ninyo lalapastanganin ng (E)inyong mga kaloob, at ng inyong mga diosdiosan.

40 Sapagka't (F)sa aking banal na bundok, sa bundok na kaitaasan ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel, nilang lahat: doo'y (G)tatanggapin ko sila, at doon ko (H)hihingin ang inyong mga handog, at ang mga unang bunga na inyong mga alay, sangpu ng lahat ninyong banal na bagay.

Read full chapter